Dalawang Asian Palm Civet o mas kilala sa tawag na ‘Musang’ na pawang nasa kategorya ng endangered species ang matagumpay na narescue ng National Bureau of Investigation o NBI Dagupan sa Brgy Malued.
Ayon kay Agent Mark Caseres, ang tagapagsalita ng naturang tanggapan, isang confidential at concern citizen umano ang nagpaabot sa kanila ng ulat kung saan sinasabing may isang residente mula sa Brgy Malued ang may hawak at itinatago umanong mga kakaibang uri ng hayop.
Agad namang tinungo ng NBI Dagupan kasama na ng Department of Environment and Natural Resources o DENR-Cenro pati na wildlife enforcement office ang nabanggit na lugar at dito ay positibo nilang nakompirma ang ulat.
Naabutan pa aniya nila ang mga nasabing hayop na nakakulong sa isang maliit at masikip na kulungan bagay na sinita ng mga otoridad dahil hindi umano ito angkop para sa mga wildlife animals.
Nakatakda namang imbistigahan pa ang hindi na pinangalanan pang indibidwal na may hawak ng mga narescueng ‘musang’ habang ibinalik naman na ang mga ito sa kanilang natural habitat . with report from Bombo Cheryl Ann Cabrera