DAGUPAN CITY– Nahaharap sa kaukulang kaso ang dalawang indibidwal matapos tinangkang magpuslit ng kabuuang 30 kahon ng alak makaraang mahuli sa checkpoint sa barangay Anolid sa bayan ng Mangaldan sa kabila ng umiiral na Liquor ban dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ang naturang mga suspek ay kakasuhan sa paglabag sa violation ng RA 151 at violation ng bayanihan to heal as one act at sa guidelines na nakapaloob sa Extreme Enhance Community quarantine sa lalawigan.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Plt. Col. Jun Wacnag, hepe ng Mangaldan PNP, wala umanong maipakitang quarantine pass at delivery receipt ang kanilang ihahatid na mga produkto kaya minabuti umano ng mga nakatalagang pulis sa naturang checkpoint na inspeksyunin ang naturang sasakyan.

--Ads--

Ngunit nang pinababa nila ang mga suspek at tinignan ang kanilang dala ay napag-alaman na ang laman ng naturang sasakyan mga alak na galing sa siyudad ng Dagupan at idedeliver umano ang mga ito sa ilang mga sari-sari store sa nabanggit na bayan.

Dagdag pa niya, habang pinapababa ang mga naturang indibidwal ay nagyabang pa umano ang mga ito at pinilit na makatakas.