Dinaluhan ng 51 na partisipante ang dalawang araw na Community-Based Anti-Illegal Drugs Advocacy sa bayan ng Manaoag, sa lalawigan ng Pangasinan na ginanap kamakailan lamang.

Pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 1 sa pakikipagtulungan ng Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC) ang nasabin programa, kung saan dinaluhan ito ng ilang mga opisyal ng bawat barangay sa bawan tulad ng mga kapitan, mga secretaries, mga empleyado ng Local Governement Unit o LGU, Rural Health Unit o RHU, Department of Education o DepEd at mga kinatawan mula sa Philippine National Police (PNP).

Nagpahayag naman si Mayor Jeremy Agerico B. Rosario ng kanyang buong suporta sa programa, na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagkakaisa sa paglaban sa iligal na droga.

--Ads--

Lumagda sa isang Manifesto of Commitment laban sa iligal na droga ang lahat ng mga kalahok bilang patunay sa kanilang dedikasyon sa paglikha ng isang komunidad na malaya sa droga.

Kaugnay sa nasabing programa, nagtampok ng interactive workshop, isang talakayan at mga presentasyon ang nasabing gawain, kung saan naglalayon itong magtataas ng kamalayan tungkol sa mga panganib ng ilegal na droga at “mag-promote” ng mga solusyon na nakabatay sa komunidad.

Samantala, ang tagumpay ng nasabing programa ay nagpapakita ng dedikasyon ng LGU sa pakikipagtulungan sa iba’t ibang stakeholders upang matugunan ang isyu ng nasabing usapin.

Inaasahan na ang kaganapan ay isang mahalagang hakbang sa paglikha ng isang ligtas at malusog na kapaligiran para sa mga residente ng nasabing bayan.