Patay ang dalawang taong gulang na batang lalaki matapos itong mahulog sa ginawang hukay ng kapitbahay sa barangay Naguilayan sa lungsod ng San Carlos.
Wala nang buhay ng matagpuan ang biktima na si Aljur Soriano, na lumulutang sa hukay na malapit lang sa kanilang bahay.
Nabatid na malalim ang lebel ng tubig sa hukay dahil sa naranasang pag ulan sa mga nakalipas na araw.
--Ads--
Ayon sa salaysay ng kanyang ina, naglalaro ang biktima sa lugar at hindi marahil napansin ang hukay kaya ito nahulog.
Napag-alaman na gagamitin sana ang hukay bilang basurahan at nakalimutan ng may ari na kapitbahay na lagyan ito ng takip.




