Patay ang dalawang taong gulang na lalaki matapos masagasaan ng sasakyan na minamaneho ng isang pulis dito sa lungsod ng Dagupan.

Kinilala ang batang biktima na si Leemar Jazz Ruiz na residente ng Brgy. Uno dito sa syudad habang nakilala naman ang pulis na nakabangga dito na si P/Chief Master Sgt. Jobert Kalano, 46-anyos na residente naman mula pa sa Ilocos Norte.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Dagupan City PNP na habang nagmamaniobra ang pulis ay napansin nitong mayroon siyang nasagasaan. Nang bumaba ito sa kanyang sasakyan ay nakita nito sa ilalim ang menor de edad na biktima.

--Ads--

Agad naman nitong isinugod sa pinakamalapit na pagamutan ang dalawang taong gulang na bata para malapatan ng paunang lunas ngunit idineklarang dead on arrival. with reports from Bombo Cherryl Cabrera