Dalawang angulo ngayon ang tinitignan ng mga otoridad sa naagapang pagsunog ng isang 85 anyos na covid 19 positive sa isolation facility sa bayan ng San Manuel, Pangasinan na nakalaan para sa mga nagpopositibo sa sakit matapos itong tumakas sa Region I Medical Center kung saan ito nagpapagaling.

Ito ang inihayag ni SFO4 Rogelio Quizon Jr., acting Mun. Fire Marshal San Manuel BFP, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan.

Aniya, ang unang anggulo na kanilang tinitignan ay ang naging banta ng biktima na kung hindi ito palalabasin ay magsusunog ito habang ang isa namang angulo ay posibleng aksidente dahil base sa maiksing pakikipag-panayam sa biktima ay katol umano ang pinagmulan ng sunog.

--Ads--

Sa ngayon ayon kay Quizon, limitado ang pagkuha nila ng impormasyon dahil kinakailangan parin na ma-isolate ang biktima dahil sa COVID-19. Aniya, ang tanging mesa lamang ang nasunog dahil sa insidente at hindi na nagiwan pa ng matinding pinsala.

Dagdag pa ni Quizon, tumakas ang pasyente mula sa Region 1 Medical Center (R1MC) kung saan ito dinala
matapos lumabas ang resulta na siya ay positibo sa sakit noong August 30.

SFO4 Rogelio Quizon Jr.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan, ipinagutos naman na maibalik ang pasyente sa RIMC ngunit tinanggihan na umano ng pagamutan kayat nagdesisyon ang LGU na dalhin ito sa isolation facility ng kanilang bayan.