BOMBO DAGUPAN – Umabot sa 2.7 milyon katao at 2 milyong establisyemento at kabahayan ang naapektuhan ng bagyong Beryl na tumama sa Amerika.

Ayon kay Isidro Madamba Jr Bombo International News Correspondent USA na noong lunes ay mabilis na tinahak ng nasabing bagyo ang Texas na nagdulot ng malawakang pagbaha.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan aniya ay nasa 11 katao ang napaulat na nasawi at patuloy naman ang rescue operation doon.

--Ads--

Bagamat ay humupa na ang bagyo kinakailangan pa ng 2 linggo upang maayos ang mga poste ng kuryente na natumba.

Samantala, hindi aniya maiiwasan na pinopolitika na din ang bagyo dahil sa nalalapit na election ay hindi agad nagdeklara ng state of emergency noong kasagsagan ng bagyo.

Nananawagan naman si Madamba sa mga Filipino Community sa Texas na ibayong pag-iingat ang kailangan sa mga ganitong sakuna at umaasa ito na sana ay nasa mabuti silang kalagayan.