DAGUPAN CITY- Sa pakikipagtulungan ng Department of Tourim Region 1 sa Department of Environment and Natural Resources Office Region 1 ay naglunsad ng kauna-unahang Region 1 Birding Caravan sa Manleluag Spring Protected Landscape (MSPL), Mangatarem, Pangasinan.

Ang mga kalahok ay mga mahilig sa ibon, mga eksperto, at mga pprofessional bird photographers at mga miyembro ng Birds in Focus, Inc.-Bird Finder Philippines, Wild Bird Photographers of the Philippines, Wild Bird Club of the Philippines, at Balete Conservancy.

Ang aktibidad ay pinagunahan ni DOTR1 OIC-Regional Director na si Evangeline M. Dadat, Engr. Cora Marie G. Pugal, DMO IV at Assistant Chief ng Conservation and Development Division, na kumakatawan kay DENR R1 Regional Executive Director Atty. Crizaldy M. Bacelo.

--Ads--

Ang programa ay magtatagal ng anim na araw na caravan, na nagsimula nang April 04, 2025, na daraan sa mga lalawigan ng Pangasinan, La Union, Ilocos Sur, at Ilocos Norte, na magtatapos sa pangwakas na programa sa Northwestern University, Laoag City, Ilocos Norte sa Abril 09, 2025.