Dagupan City – Isinagawa ngayong araw ang unang quarter joint meeting ng Dagupan City Peace and Order Council (CPOC), City Anti-Drug Council (CADAC), at City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) upang magbigay ng mga mahalagang ulat at updates kaugnay sa seguridad at kaligtasan ng lungsod.
Kaugnay nito ay binigyang-pugay naman ang PNP Dagupan dahil sa matagumpay na kampanya nila Kontra Droga hinggil pa rin sa Barangay Drug Clearing Program, na patuloy na isinusulong upang mapanatili ang kaligtasan at kaayusan sa kanilang nasasakupan.
Tinalakay din sa pulong ang mga paghahanda para sa nalalapit na Mahal na Araw kung saan pinagtuunan ng pansin ang pagpapalakas ng koordinasyon sa pagitan ng mga pambansang ahensya at lokal na pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.
Kaugnay nito, naka-full alert status na rin ang hanay ng kapulisan upang masiguro ang kapayapaan at kaayusan sa panahon ng Mahal na Araw.