DAGUPAN CITY–May posibilidad na maranasan o mangyari ulit ang 1990 earthquake na naganap dito sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Melekin Bauzon, Chief ng Public Alert Response and Monitoring Center o PARMC dito sa siyudad ng Dagupan, hindi malayong maranasan muli ito pero giit ng Philvolcs na ito’y aabutin ng ilang taon.

Matatandaan na ayon sa PDRRMC, kung may dapat mang ikatakot ang mga residente sa probinsiya ng Pangasinan, ito ay ang Manila Trench. Sa ngayon ayon sa monitoring ng PARMC, overdue na ang Manila Trench ng mahigit 200 years kung kayat anumang oras o panahon ay maaari itong magkaroon ng aberya.

--Ads--

Batay sa pag aaral ng Philvolcs, sa oras na gumalaw ang tinatawag nilang “The Big One” o Manila Trench, maaaring itong mag generate ng tinatayang 9-12meters ng Tsunami o katumbas ng 3 palapag ang taas ng tubig at hindi malayong maapektuhan ang lalawigan ng Pangasinan.

Bilang tugon at paghahanda, naglagay na sila ng sensor sa Bolinao at dito sa lungsod ng Dagupan, mayroon na ding limang stations ng Tsunami early warning system.

Sa pamamagitan ng machine na ito, maaaring makatanggap ng text blast ang publiko lalo na kapag naabot ang sensor sa Bolinao.

Melekin Bauzon, Chief , Public Alert Response and Monitoring Center o PARMC Dagupan

Malaking tulong din ayon kay Bauzon ang Intensity Meter na ibinigay ng Philvolcs na siyang ginagamit upang matukoy kaagad kung may banta ng lindol dito sa Dagupan.