Academic pressure ang nakikitang dahilan ng pamilya ng nagpakamatay na isang 19 na anyos na college student ng UP Los Banos sa barangay Dilan bayan ng Pozorrubio, Pangasinan.

Ayon kay P/Major John Corpuz, Hepe ng Pozorrubio PNP, Enero 16 nang pumasok sa kanyang kwarto ang biktima ng mga bandang 5 ng hapon, ngunit hindi na umano ito lumabas sa hanggang 3:20 ng hapon ng sumunod na araw.

Kung kaya nagtaka na ang kamag-anak ng biktima na hindi pa ito lumlabas kaya pinilt na nilang binuksan ang kanyang kwarto.

--Ads--

Ngunit pagbungad umano nila sa mismong silid nito ay natagpuan na lamang nila ang nasabing estudyante na nagpatiwakal.

Pagkaraang nadiskubre nila ang naturang pangyayari ay agad nila itong ipinagbigay sa Pozorrubio PNP at isinugod pa ito sa hospital ngunit idineklara namang dead on arrival ng mga doktor sa Pozorrubio Community Hospital.

P/Major John Corpuz,COP Pozorrubio PNP

Saad pa ng pamilya at kaibigan ng biktima, hindi ito ang unang beses na nagtangkang magpakamatay ang ito ngunit napigilan lamang nila ito.

Anila, malaki umano ang pressure ng biktima sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo kung kaya’t kumbensido naman ang pamilya ng biktima na nagpakamatay nga ito at wala nang iba pang dahilan ang kanyang pagkamatay.