Dagupan City – Arestado ang 19-anyos na Top 7 Most Wanted Person sa kasong Acts of lasciviousness sa lungsod ng San Carlos.

Ayon kay PMAJ. Gllen Dulay, Deputy Chief of Police ng San Carlos City PNP, nahuli ang suspek sa tulong na rin ng isang confidential informant na siyang nagturo kung saan nagtatago ang suspek.

Aniya, namataan itong nagtatago sa brgy.Baldog partikular na sa compound kung saan nakatira ang kaniyang mga kaanak.

--Ads--

Kung kaya’t matapos matanggap ang ibinabang warrant of arrest ay agad namang nagsagawa ng operasyon ang hanay ng kapulisan at nagsagawa ng surveillance operation.

Sa kasalukuyan, inihain na sa suspek ang 2 counts ng Acts of lasciviousness.
veillance na ang mga posibleng pagtaguan ng suspek.

Kinumpirma naman ni Dulay na tumataas ang datos ng rape case sa kanilang syudad. Ngunit hindi naman aniya tumitigil ang hanay ng kapulisan sa isinasagawang mga activities gaya na lamang ng Sagip program at sa katunayan ay may mga active advocacy groups na rin at Violence Against Women (VAW) Desk na hindi tumitigil sa pagsulong ng kaalaman sa publiko.