DAGUPAN CITY- Nasawi ang isang 19 anyos na lalaki nang mabangga ang isa pang motorsiklong biglang pumasok sa kanyang linya matapos magpa-gas sa isang gasoline station sa bayan ng Mangaldan.

Kinilalang ang biktima na si John Vincent Domingo, 19 anyos na estudyante at residente ng brgy. Salay sa nasabing Bayan.

Ayon kay PMaj. Ronald Bautista, Deputy Chief of Police ng Mangaldan PNP, bandang 1:20 ng madaling araw nang mangyari ang insidente.

--Ads--

Batay naman sa paunang imbestigasyon ng Pulisya, habang binabaybay ng biktima ang kalsada nang bigla nalang pumasok ang isa pang motorsiklo na minamaneho ni Roger Narvarte, 24 anyos at may angkas ito, matapos magpa-gasolina.

Hindi napansin ng biktima ang pagpasok ng isa pang motorsiklo sa kanyang linya na siyang nagresulta nang banggaan ng dalawang motorsiklo.

Dahil sa insidente, nagtamo ang biktima ng malubhang sugat sa ulo na siyang naging dahilan ng kanyang pagkakasawi.

Gasgas naman ang inabot nina Narvarte at ng angkas nito.

Sa ngayon, hawak na ng pulisya ang suspek sa pagkakasawi ng 19 anyos na lalaki habang inihahanda na ang proseso para sakanya na posibleng maharap sa kaso.

Paalala naman ni Bautista sa mga rider, ugaliing magsuot ng protective gear kapag magmamaneho ng Motorsiklo para maiwasan ang pagkakaroon ng malubhang sugat sakaling magkaroon ng insidente.