Mga kabombo! Isa ka rin ba sa tinatawag na “gym rat”?

Eh paano na lamang kung ang maging resulta nito ay hindi ang inaasahan ng karamihan na dream body?

Usap-usapan kasi ngayon sa social media ang isang 19-anyos na binatilyo matapos mag-viral ang kanyang hindi pangkaraniwang fitness regimen.

--Ads--

Matapos magresulta ang kaniyang pag-eehersisyo sa kaniyang intensyon na makamit ang hindi pantay na anyo ng katawan.

Ayon sa ulat, sinimulan ng binata ang tinatawag niyang #looksminimizing campaign, isang malinaw na tugon sa “looksmaxxing” trend kung saan layunin ng marami sa Gen Z na gawing mas maganda ang sarili sa pamamagitan ng ehersisyo, skincare, at iba pa.

Pero sa halip na sumabay sa uso, pinili niyang maging kontra-bida sa trend — sa pamamagitan ng intentional asymmetry.

Kung saan sa loob ng 160 araw, kaliwang trap muscle lang ang tinutukan niya.

Bagamat may ilang pag-aaral na nagsasabing maaaring magkaroon ng indirect muscle gains sa kabilang bahagi ng katawan dahil sa tinatawag na “cross education,” at malinaw na hindi pantay ang development ng kanyang upper body.

Dahil dito, agad namang naging viral at umani ng magkahalong reaksyon mula sa netizens.

May mga natuwa, humanga, at natawa sa pagiging ‘unique’ ng content, ngunit marami rin ang nagbigay ng babala.

At ayon sa ilang physical therapists na nagkomento sa post, posibleng magdulot ito ng posture issues, muscle imbalance, at pangmatagalang injury kung ipagpapatuloy.

Sa kabila naman ng mga batikos, tila hindi pa rin natitinag ang binatilyo. Sa pinakabagong update niya, sinabi nitong nagsimula na siyang mag-focus sa pagpalaki ng kanang binti naman — patunay na seryoso siya sa kanyang “asymmetrical gains.”

Ngayon, patuloy siyang sinusubaybayan ng libo-libong followers sa social media platforms.