Arestado ang 19 anyos na lalaki matapos nitong gahasain ang kaniyang menor de edad na nakababatang kapatid sa lungsod ng Alaminos.
Ayon kay PLTCOL. Garie Noel Pascua ang hepe ng Alaminos pnp, nagulat nalang ang 15 anyos na biktima nang magising ito nang bandang alas tres ng hapon at namalayan na hinahalay na ito ng kaniyang nakatatandang kapatid na lalaki sa kanilang bahay sa barangay Lucap.
Sa kaniyang pinagkakatiwalaang kaibigan sinumbong ng biktima ang pangyayarI na siya na ring nagreport sa kapulisan.
Sa pagresponde naman ng kapulisan sa panguguna ng kanilang WCPD officer ay agaran namang nadakip ang suspek at hinahanda ang mga dokumento para sa isasampang kaukulang kaso.
Sumailalim na rin sa medical examination ang biktima at pupunta na sa korte para sa pagfifile ng kaso.
Ang biktima naman ay kailangang dalhin sa WCPD para sa kaukulang hakbang na maaring iassist sa nagahasang biktima.
Ayon pa sa opisyal hindi ito ang unang insidente ng pangagahasa sa nabanggit na lungsod.
Isang ring tinitignan na dahilan dito ay ang community quarantine kung saan may mga insidente na ang suspek ay nasa loob mismo ng bahay ngunit patuloy naman ang hakbangin ng kapulisan sa naturang lungsod katulad ng information dissemination upang maiwasan ang ganitong mga insidente.
Paalala naman ng hepe sa mga magulang na tignan at bantayan ng mabuti ang mga anak na babae at huwag magpakampante dahil maging ang mga miyembro ng pamilya na maaring nagbababntay sa kanilang anak ay maaring gawan ng masama ang mga anak na babae.




