DAGUPAN CITY–Patay ang isang 19 anyos na binata matapos inatake sa puso habang naglalaro ng online game sa isang computer shop na malapit sa kanilang bahay sa barangay Lekeb Butao bayan ng San Fabian Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Erwin Biasura, 19 anyos at residente sa lugar.

Bigla lamang umanong natumba ang biktima habang naglalaro ng online game.

--Ads--

Dinala pa sa ospital ang biktima pero hindi na umabot ng buhay.

Napag-alaman na may sakit sa puso si Erwin at nagmi-maintenance.

Lagi umanong puyat ang biktima dahil sa paglalaro ng online game.