Mga kabombo! Bagama’t mahirap, sino ang mag-aakalang posible pala ang pagkakaroon ng allergy pala sa tubig?

Isang 19-anyos kasi na dalaga sa Hampshire, England ang literal na “allergic sa mundo”—kasama na rito ang tubig! Dahil sa kanyang napakaraming allergies.

Kinilala itong si Chloe Ramsay na aniya ay napilitang gumamit ng color-coded na listahan para bantayan ang lahat ng maaaring magdulot sa kanya ng matinding allergic reaction.

--Ads--

Ayon sa ulat, saedad na 19, bawal sa kanya ang mahigit 40 bagay, kabilang ang prutas, pabango, at maging ang ulan! Ang kanyang pinaka-kakaibang kondisyon? Aquagenic urticaria—isang bihirang allergy sa tubig.

At aniya, kapag hindi siya nakainom ng gamot ay nagkakaroon siya ng matinding pantal sa balat tuwing naliligo o nababasa.

Para makontrol naman ang kanyang kondisyon, gumagamit siya ng spreadsheet na may traffic light system: berde para sa ligtas, dilaw para sa posibleng delikado, at pula para sa tiyak na magdudulot ng allergic reaction.

Sa kabila nito, nagpasalamat naman siya sa gamot na iniiniksyon sa kaniya buwan-buwan, dahil halos nawala aniya ang kanyang reaksiyon sa tubig.

Pero dahil sa dami ng bawal sa kanya—mula sa prutas, pagkain, hanggang sa pandikit at kandila—kailangan pa rin niyang mag-ingat sa bawat galaw niya.