DAGUPAN CITY- Tatlo nalang sa 184 na proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Pangasinan 3rd District Engineering Office (DEO) sa 5th-6th District ng lalawigan ang kasalukuyang natitira at isasagawa ngayon 2025.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Engr. Maria Venus Torio, District Engineer ng naturang tanggapan, mayroon kabuoang P6,847,000,000 ang inilaan budget para sa mga proyektong inilatag ngayon taon.

Aniya, maliban sa mga on-going projects ay mayroon din silang mga proyekto nagkaroon ng time suspension dahil ito ay ‘unworkable’ pa, partikular na ang flood-control projects sa malalapit sa ilog.

--Ads--

Gayunpaman, ito aniya ang malalaking proyekto na kanilang tinututukan dahil naging prayoridad ito para makapagbigay ng kaligtasan at komportableng pamumuhay sa kanilang mga nasasakupan.

Sa tuwing nagkakabagyo kase, lalo na noong bagyong ‘Pepeng’, ay labis na naapektuhan sa pagbaha dulot ng storm surge ang mga residente ng Balungao, Rosales, at Sta. Maria.