BOMBO DAGUPAN – Naaresto ang isang 18 anyos na lalaki sa Brgy. Paraspas, Rosario, La Union dahil sa kasong statutory rape na nangyari noong nakaraang taon sa Brgy. Buneg sa bayan ng Pozorrubio.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PEMS Marlon Palaruan Chief Investigator Rosales PNP na magkakaibigan ang mga suspek at biktima kung saan ay isa nga sa mga akusado ang kasintahan pa mismo ng biktima.

Aniya na dahil umano sa kalasingan ay doon nagawa ang nangyaring panggagahasa.

--Ads--

Ang apat na suspek ay pawang mga menor de edad pa noong nangyari ang krimen at labing apat na anyos lamang ang biktima.

Kaugnay nito ay noong sumampa na sa tamang edad ang mag suspek ay nahuli na ang mga ito kabilang na ang kamakailan lamang na naaresto na panghuli sa mga akusado.

Wala ngang inerekomendang piyensa sa nasabing kaso at kasalukuyan ng nasa pangangalaga ng Rosales MPS ang panghuling suspek.

Samantala, dahil nga nalalapit na rin ang fiesta sa kanilang bayan ay patuloy na nakikipag-ugnayan ang kanilang opisina sa LGU para maayos ang seguridad ng kanilang bayan.

Pinaalalahanan niya din ang kaniyang mga kababayan na ugaliing dalhin ang driver’s license gayundin ang pagsusuot ng helmet para sa mga nakamotorsiklo na karaniwang nagiging dahilan ng aksidente.