Dagupan City – Mabilis na naaresto ng mga awtoridad ang dalawang suspek sa pagnanakaw ng kambing sa Brgy. Pugaro sa bayan ng Manaoag.

Ayon sa ulat ng pulisya, alas-11:45 ng gabi kamakailan, nang humingi ng tulong sa Manaoag Police Station ang biktimang kinilala bilang isang 62 taong gulang, may asawa, walang trabaho, at residente ng Brgy. Pugaro.

ipinahayag ng biktima na nawawala ang kanyang dalawang alagang kambing na kanyang pinastol sa isang damuhan malapit sa kanyang bahay kung saan natuklasan niya ang pagkawala ng mga ito bandang alas-3:30 ng hapon.

--Ads--

Agad na nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng pulisya na nagresulta sa pagkaaresto ng dalawang suspek.

Kinilala ang mga suspek na mga lalaki na nasa 18 taong gulang, grade 12 student, residente ng Brgy. Nalsian, at isang 17 taong gulang, estudyante, residente ng Aurora Heights sa Brgy. Baritao.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang motorsiklo na kulay gray/black na walang plaka, na ginamit umano bilang kanilang getaway vehicle, at isa sa mga ninakaw na kambing.

Ayon sa imbestigasyon, naibenta at kinatay na ang isa pang kambing sa halagang Php2,500.

Dinala ang mga suspek sa Manaoag Community Hospital para sa medical at physical examination bago dinala sa kustodiya ng Manaoag Police Station para sa kaukulang disposisyon at dokumentasyon.