DAGUPAN CITY– Positibong ginahasa ang 18 anyos na estudyante na natagpuan sa bakanteng lote sa Bonuan Tondaligan Blue Beach Subdivision dito sa lungsod ng Dagupan Pangasinan.

Base sa resulta ng medico legal examination, positibong nahalay ang biktima na si Bernadeth Saplan.

Kaugnay nito ay sinampahan na ang suspek ng kasong rape with homicide.

--Ads--

Malaking nakatulong sa ginagawang imbestigasyon ang hawak na ebidensya ng pulisya kabilang na ang cctv footage at salaysay ng mga saksi.

Sa kabila nito, mariing itinanggi ng suspek na si Jeric Pagaduan Gonzales 23 anyos na residente ng Paras St. Bonuan Gueset Dagupan City ang krimen.

Ayon sa kanyang salaysay, bibili lang siya ng alak sa isang tindahan malayo sa subdivision kasama ang kaibigan pero pagkatapos nito ay hindi na niya alam ang mga sumunod na pangyayari.

Samantala, hanggang ngayon ay nagpupuyos pa sa galit ang ama ng dalaga dahil sa kanyang sinapit.

Matatandaan na natagpuan na nakataas na ang bra at nakababa ang underwear ng biktima nang makita ang katawan nito sa madamong bahagi ng Bonuan Tondaligan Blue Beach Subdivision dito sa siyudad.