Hindi naging hadlang sa 18 anyos na estudyante mula sa Bulacan ang naging online classes para ito ay humakot ng aabot sa halos animnapung parangal sa kaniyang pagtatapos sa senior high school.

Kuwento ni Meckia Villanueva na siyang batch valedictorian ng Sto. Niño Academy, na hindi niya inakala na sa pagtungtong nito sa stage ay makakatatanggap ito ng 24 medals at 30 ribbons na isinabit sa kaniya ng kanyang mga magulang.

Aminado itong naging mas mahirap para sa kanilang mga estudyante ang naging transition sa virtual classes ang paganahin umano ang ideyang nanatili ito sa nakagawiang paraan ng pag-aaral.

--Ads--

Ipinayo naman nito sa lahat ng mga nangangarap na palagiang bigyang motibasyon ang sarili at magkaroon ng matataas na layunin sa buhay.

Sa mga kapwa rin niya na mga estudyanteng nahihirapan sa kanilang pag-aaral iminungkahi nito ang pagsasaayos ng kanilang study routine gayundin ang pagtutok sa time management.

Samantala bagama’t ninanais rin nitong makapasok sa media industry, ay plano nitong kumuha ng kursong Medical Biology sa kaniyang kolehiyo na magsisilbing kaniyang pre med course.