BOMBO RADYO DAGUPAN – Tila’y nasayang lamang ang halos P300 Bilyon na pondong ginamit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang 17 foreign trips sa 12 bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Jerome Adonis, Secretary General ng Kilusang Mayo Uno, ang pagbisita ng pangulo sa ibang bansa upang makapag engganyo ng mga investor ay hindi umano naramdamang nakaapekto ng maganda sa ekonomiya.
Sa tutuusin pa aniya, base sa resulta ng survey ng Philippine Statistic Authority (PSA) ay lalo pang umakyat ang bilang ng mga walang trabaho.
Aniya, walang naging makabuluhang epekto sa paglikha ng trabaho sa mga walang trabaho ang mga naging pag alis sapagkat maaaring mababang pasahod at panandaliang trabaho lamang ang mga ipinangakong ipapasok ng mga investor sa bansa.
Samantala, mukhang “denial” kung isalarawan ni Adonis ang Department of Trading Industry sa kanilang sinabing sa 2024 pa makikita ang bunga ng mga pag alis ng Pangulo sa bansa dahil aniya, taong 2022 nang maupo si President Marcos Jr. sa Malacanang at maaari na aniyang maramdaman sa unang kalahati ng 2023 ang mga investments para sa bansa ngunit nanahimik lamang ang employment sa bansa.
Ikinalulungkot naman niyang nagmumukhang nagmamakaawa ang bansa sa foreign investors na pumasok sa bansa ngunit gumagastong lamang aniya sa wala ang pangulo kung paulit ulit lang ang nangyayari.
Sa tingin naman nito na ang fmga foreign trip ng pangulo ay para lamang magcomply sa mga nakaraang kasunduan kahit pa man ay makakasama ito sa bayan.
Dagdag pa niya, nabigo ang kasalukuyang administrasyon upang ayusin ang mga problemang kinakahrap ng mga manggagawa.