DAGUPAN CITY–Nagtamo ng sugat sa kaniyang katawan ang isang 16-anyos na menor de edad matapos itong saksakin ng kanyang amain sa bayan ng Binalonan partikular na sa may Brgy. Dumayat.

Ang suspek ay kinilalang si Cris Sia, 33 anyos at residente mula sa nabanggit na lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ay lumalabas na umuwi ng lasing ang suspek sakanilang tahanan at nagkaroon sila ng pagtatalo ng biktima.

--Ads--

Matapos nito ay pinagsasaksak ng suspek ang biktima sa kaniyang likod na agad namang nadala sa pagamutan upang malapatan ng paunang lunas.

Samantala naaresto naman ang suspek at ayon pa sa PNP na sinubukan pa umano nitong magpakamatay sa pamamagitan ng pag inom ng pestisidyo.

Dinala din ito sa ospital patikular na sa Urdaneta District Hospital para masuri ang kanyang kondisyon na kinalaunan ay dinala sa Region 1 Medical Center sa siyudad ng Dagupan.