DAGUPAN, CITY— Nasa 16 na barangay sa bayan ng Calasiao ang apektado ng pagbaha dulot ng pag-apaw ng ilang mga ilog dahil sa patuloy na pag-ulan noong nakaraang mga araw dulot ng bagyong Maring.

Ayon kay Freddie Villacorta ng Calasiao MDRRMO, sa ngayon ay bahagyang tumataas pa rin ang tubig-baha sa kanilang bayan kaya naman ay apektado ang maraming mga residente na nakatira sa mga low lying areas.

Aniya, ilan sa mga barangay na kanilang tinututukan dahil sa mataas na lebel pa rin ng tubig sa kanilang lugar ay ang barangat Talibaew, Quesban, Lasip, Gabon, Banaoang, Mancup, Poblacion east, San Vicente, Lumbang, at Longos.

--Ads--

Wala pa naman umanong itinaas na state of calamity ang Calasiao LGU dahil sa pagbaha ngunit sa kasalukuyan ay nakaanataby naman umano ang kanilang pamahalaan sa pagbibigaya sa mga mamamayan na apektado ng pagbaha na dulot ng bagyong Maring. (with reports from: Bombo Mariane Esmeralda)