Hinihinalang nagbigti ang 16-anyos na binatilyo dahil sa umano’y break-up nila ng kaniyang nobya sa bayan ng Bayambang, Pangasinan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PLt.Col Andres Calaowa Jr., Chief of Police, Bayambang PNP, batay sa inisyal na imbestigasyon ay natagpuan na lamang umano ng ina ng biktima ang kaniyang anak na naka bigti sa puno ng tamarin sa likod ng kanilang bahay.

Dagdag ng hepe na nabanggit umano ng binatilyo sa kaniyang ina bago ang insidente na nagkahiwalay sila ng kaniyang nobya at gayundin umano ang sinabi ng nito sa kaniyang kaibigan.

--Ads--
PLt.Col Andres Calaowa Jr., Chief of Police, Bayambang PNP

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon.