DAGUPAN CITY– Sumasailalim ngayon sa counseling ang isang 15 anyos na dalagita matapos na makaranas ngayon ng trauma makaraan umano itong paulit-ulit na gahasain ng sariling tiyuhin sa bayan ng Binalonan Pangasinan.

Tinatakot umano ng kaniyang tiyuhin ang biktima na papatayin ang kuya nito kapag nagsumbong sa ginagawa nitong kahalayan sa kaniya.

Kwento ng biktima , Pebrero pa nang umpisa itong pagsamantalahan ng tiyuhin.

--Ads--

Sa nakalap na impormasyon ng kapulisan binibigyan daw ng pera ng suspek ang pamangkin pagkatapos isagawa ang panghahalay.

Base naman sa medico legal examination sa biktima, positibo itong ginahasa.

Nahaharap naman sa kaukulang kaso ang suspek na sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng kapulisan.