DAGUPAN CITY–Agarang natagpuan ang bangkay ng 15-anyos na binatilyo matapos malunod sa isang ilog sa barangay Bolosan, San Carlos City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo , ang biktimang si Micko Jhustine Manzon kasama ng iba pa nitong mga kaibigan ay nagkayayaan na maligo sa ilog, ngunit napag-alamang hindi pala ito marunong lumangoy.

Nagtaka na lamang umano ang mga magulang nito nang hindi na ito umuwi gayong tuwing hapon ay nakagawian na nitong mag-pastol ng kanilang baka.

--Ads--

Nabatid din sa San Carlos City DRRMO na malalim talaga ang naturang ilog.

Kaugnay nito, nagpaalala ang otoridad ngayong panahon ng tag-ulan na huwang munang maligo sa mga ilog.