Wala nang buhay nang matagpuan ang isang 15 anyos na binatilyo na may karamdaman sa pag iisip sa Yuntog River, barangay Victoria sa bayan ng Sual, Pangasinan.

Ayon sa Sual pnp hinihinalang nalunod ang biktima na si Benjie Nerona, residente ng naturang lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan nadiskubre ang biktima ng isang magsasaka na si Ronald Sibog , 40 anyos at residente rin ng naturang lugar kung saan nakita na lamang nito na lumulutang ang katawan ng biktima.

--Ads--

Napag-alaman din na ayon sa kapatid nitong si Cherilyn Nerona 17 anyos na ang biktima ay umalis at nagtungo sa ilog upang manguha ng shell.

Ang katawan ng biktima ay dinala pa sa RHU Sual at ideneklara nang DOA ng attending physician.