Nakatanggap ng tulong pinansiyal mula sa lokal na pamahalaan ng bayan ng Mangaldan sa pamamagitan ni Mayor Bona Fe de Vera-Parayno ang labing-apat na pamilyang nawalan ng mahal sa buhay.

Nagbigay din ng dasal at pakikiramay si Pastor Nonie B. Aquino mula sa Community Affairs Office kasama si William Mislang, Administrative Assistant mula naman sa Office of the Mayor.

Bukod dito, ang tanggapan ni Mayor Bona ay bukas para sa lahat ng residente ng Mangaldan na nais humingi ng burial assistance mula sa lokal na pamahalaan.

--Ads--

Kung saan kinakailangan lamang dalhin ang death certificate ng namayapang kapamilya at isang photocopy ng valid ID ng nag-asikaso.