Umaasa ang PNP Tarlac, na matatapos na ang bilangan ng boto kaugnay ng isinagawang midterm election noong araw ng lunes, Mayo 13.

Ito’y matapos na kumpirmahin ni P/Maj Jim Tayag, tagapagsalita ng Tarlac Police Provincial Office, sa exclusive inerview ng Bombo Radyo Dagupan na nasa 14 na bayan ang nakapagtala ng aberya sa mga ginamit na vote counting machine (VCMs).

Aniya ilan sa problema sa mga ito ay pagpalya ng mga SD card kung saan itinatago ang mga data bagay na agad namang tinugunan ng COMELEC Regional office na nakakasakop sa kanilang lugar.

--Ads--

Dahil dito ay hindi pa aniya makapagdeklara ang mga opisyal sa 14 na lugar kung saan nagka-aberya ang mga VCMs at tanging sa 4 na lugar pa lamang nakapagdedeklara ng nanalo dahil hindi nagkaroon ng problema sa pagtransmit ng kanilang mga boto.