DAGUPAN, CITY— Kinumpirma ng pamunuan ng Bureau of Internal Revenue o BIR Calasiao na 7 pa sa 14 na nagpositibo na kanilang empleyado sa Covid-19 ang patuloy na sumasailalim sa quarantine.

Ayon kay Ernesto Mangabat, Revenue District Officer ng BIR Calasiao, 1 sa apat na utility, habang 6 pa na empleyado nila ang nananatiling nakaquarantine.

Dagdag pa nito na dahil sa pangyayari mas naghigpit ang kanilang tanggapan sa implementasyon ng health and safety protocols.

--Ads--

Nagpatupad din aniya ng skeletal schedule sa kanilang empleyado kung saan nasa 10-12 lang sa mga ito ang nakakapagduty sa tanggapan.

Samantala, nasa 15-20 tax payers naman ang kanilang pinapapasok sa loob ng opisina para maiwasan ang pagkukumpulan at mapanatili ang social distancing.