Arestado ang isang 29-anyos na tricycle driver matapos makuhanan ng 14.08 gramo ng hinihinalang tuyong dahon ng marijuana sa isang buy-bust operation na isinagawa sa bayan ng Rosales dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa operasyon na isinagawa ng Rosales MPS katuwang ang PDEA RO1, nakumpiska sa suspek ang dalawang heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang marijuana na may Standard Drug Price (SDP) na PhP1,689.60.
Bukod sa droga, nakumpiska rin ang buy-bust money, boodle money, isang bladed weapon, cellphone, lighters, at bag.
Samantala, Isinagawa ang inventory at pagmamarka ng mga ebidensya sa lugar ng insidente sa harap ng mga testigo at ng suspek, alinsunod sa itinatakda ng batas.
Sa ngayon ang suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.










