Ginahasa ng kanyang sariling pinsan ang isang 14 anyos na dalagita sa kanilang bahay sa barangay Salay sa bayan ng Mangaldan dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Ayon sa ulat, nagising umano ang ama ng biktima at nakita ang kahalayan ng suspek pero mabilis itong tumakas.
Nabatid na taong 2018 pa nagsimula ang panghahalay sa biktima ng 25 anyos na pinsan, pero hindi umano siya agad nakapagsumbong dahil sa pagbabanta ng suspek.
--Ads--
Nanawagan naman ang mga magulang ng biktima sa suspek na sumuko na ito at harapin ang kanyang kaso.
Masamang masama ang loob ng mga magulang nito dahil sa murang edad ay nasira ang kanyang pagkatao.