Nalunod habang naliligo sa ilog ang 14 anyos na binatilyo sa barangay Mabanogbog sa lungsod ng Urdaneta.
Kinilala ang biktima na si John Paul Manibog, na nalunod sa Mitura river na sakop ng barangay camantilis.
Ayon sa salaysay ng ama ng biktima, inakala nilang dadalaw lang ang biktima sa kanyang kaibigan at hindi para maligo.
Lumabas sa imbestigasyon na nadulas ang biktima habang naliligo sa mababaw na bahagi ng ilog.
Tinangay ito ng malakas na agos ng tubig .
Sinubukan daw siyang iligtas ng kanyang mga kaibigan pero nabigo ang mga ito.
Inabot ng 24 oras ang search ang retrieval operaton bago nahanap ang kaniyang bangkay.
Malakas ang agos ng ilog na sinabayan ng tag-ulan nang mangyari ang insidente.
Sa ngayon ay pinagbabawal muna ang mga residente na maligo sa ilog.




