DAGUPAN CITY- Panawagan muli ng Federation of Free Workers ang pagiging maagap ng mga kumpanya sa distribusyon ng 13th month pay ng kanilang mga manggagawa.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Julius Cainglet, Vice President ng nasabing grupo, luma na ang labor code ng bansa kaya may ilang kumpanya na late na kung magbigay nito.
Nakagawian na lamang ng mga manggagawa na pag-ipunan muna ang gastusin sa holiday season sapagkat may pagkakataon na matapos pa ang bagong taon ito naibibigay.
Mungkahi niya sa mga kumpanya na ‘collective bargaining agreement’ ang pagpapasahod ay buoin na lamang ang kanilang 13th month pay kahit may buwan na hindi nila naabot ang isang minimum wage.
Binigyan linaw naman niya na makakatanggap pa rin ng nasabing kabayaran ang mga commissione based na pasahod kung mayroon naman employer-to-employee relationship sa kumpanya.
Dagdag ni Cainglet, hindi man kabilang sa batas ang pagbibigay ng bonus pay subalit, isang magandang kagawian ang ‘profit sharing’ upang ipakita ang pagpapahalaga sa pagsusumikap ng mga manggagawa.
Samantala, buong tinatanggap nila ang P37-P45 wage hike sa Rehiyon ng Ilocos at Western Visayas subalit, malayo pa ito kung ikukumpara sa sinasahod sa Maynila.
Aniya, patuloy ang kanilang panawagan na legislated wage increase upang maabot na ng mga manggagawa sa buong Pilipinas ang nakabubuhay na sahod.
Hindi pa man ito balak ng senado subalit, tinalakay naman ng mga senador ang iba pang mga benepisyo ng mga manggagawa.
Sa kabilang dako, nagsasagawa sila ng mga seminars sa mga manggagawa upang ituro ang kanilang mga karapatan.










