DAGUPAN CITY–Nasa batas na kailangan na makatanggap ng 13th month pay ang mga manggagawa at dapat lamang itong sundin ng mga employer.

Ito ang pahayag sa Bombo Radyo Dagupan ni Agnes Aguinaldo ng Department of Labor and Employment o DOLE Pangasinan sa gitna ng usapin ng pagbibigay ng 13th month pay sa gitna ng pandemya.

Ayon kay Aguinaldo, pero kung hirap ang isang kompanya ay puwede ring partial payment lang kung papayag ang mga mangagawa.

--Ads--

Hindi pwedeng hindi ito ibigay dahil nakasaad ito sa batas.

Aniya, kahit isang buwan lang sa trabaho ang isang mangaggawa ay dapat pa rin itong makakatanggap ng bahagi ng 13th month pay.

Tiniyak naman ni Aguinaldo na tuloy tuloy ang kanilang monitoring sa mga establisyemento kung nakakapag comply sa pagbabayad ng 13th month pay.

Aniya, magbibigay ang DOLE ng form sa mga employer kung saan kanilang ilalagay kung magkano ang mga nabayaran na 13th month.

Layunin nitong matiyak na nababayaran nila ng nasabing benipisyo ang mga manggagawa.

Agnes Aguinaldo – Department of Labor and Employment o DOLE Pangasinan

Matatandaan na maraming kumpanya ang mahihirapang magbigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado ngayong taon dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.