Mga kabombo! Kung ang ibang mga magulang ay binibigyan lamang ng oras ang kanilang mga anak sa paglalaro ng video games.
Aba! Ibahin niyo ang isang ina sa bansang Japan!
Paano ba naman kasi, pumayag itong tumigil sa pag-aral ang kaniyang anak para lamang maglaro ng video games.
Ayon sa ulat, ang anak ay nasa 13-anyos pa lamang at kinilalang si alyas “Tarou”.
Lumalabas kasi umano na magaling ang bata sa paglalaro ng video game na Fortnite at tinuturing ito na isang “prodigy” o expert sa laro kahit ito ay bata pa.
Nagsimula itong maglaro noong three years old pa lamang at pagsapit nito ng eight years old ay tinatalo na nito ang mga professional Fortnite players.
Agad naman itong umani ng mahigit 230,000 subscribers sa YouTube.
Katwiran naman ng ama, ang pagpasok sa eskuwela ay nakakaubos lamang ng enerhiya ng bata na dapat sana ay inilalaan nito sa training.
Ibinida pa nito ang “exceptional concentration” ng anak, kung saan minsan ay naglaro ito ng 28 hours nang tuluy-tuloy nang walang tayuan o kainan.
Gayunman, hati ang opinyon ng publiko; habang may naniniwala sa esports potential ng bata, marami ang nagsasabing ninanakawan ng mga magulang ang bata ng normal na childhood, social skills, at masasayang karanasan na hindi matutumbasan ng video games.










