Nakarekober na ang labing-tatlo sa 21 PNP personnel kabilang na ang Chief of Police ng Calasiao PS matapos magpositibo sa covid19 noong March 25.
kinumpirma mismo ni P/Lt.Col Ferdinand de Asis, ang hepe ng Calasiao PS na gumaling na rin ito mula sa sakit habang walo na lamang na mga pulis sa kanilang hanay ang aktibo sa covid at inaantay pa ang resulta ng kanilang covid test.
Anim na police personnel ang kasalukuyang nasa Temporary Treatment and Monitoring Facility (TTMF) ng LGU Calasiao, isa ang nasa isolation facility ng Sta. Barbara at isang police personnel ang nasa quarantine facility ng LGU Manaoag.
Saad ng hepe, nasa 10% ng 84 na kabuuang police personnel ng Calasiao ang nainfect sa sakit bagamat sinusunod naman nila ang mga minimum health protocols ay araw-araw din silang expose sa mga tao para maserbisyuhan ang kanilang mga kababayan.
Paliwanag naman ng hepe na hindi nagkaroon ng malaking kakulangan sa kabila ng pagpopositibo ng ilang mga pulis sa kanilang hanay at nagagampanan pa rin ang kanilang tungkulin at hindi humingi ng karagdagang re-enforcement o personnel habang sumasailalim sa isolation.
Nananatiling bukas naman ang himpilan ng Calasiao PNP at panandalian lamang isinasara tuwing isasagawa ang disinfection.
Samantala, umapela din ang hepe na huwag idiscriminate ang kanilang kasamahang pulis na nagpositibo sa covid kasunod ito ng ilang sumbong ng mga kasamahang pulis na natatanggap ng opisyal na hinaharass ang mga ito at sa halip ay ipagdasal ang mga natamaan sa sakit para sa agarang paggaling at dapat aniya ay magkaisang sugpuin ang covid.




