Aksidenteng nalambat ng ilang mangingisda ang isang pawikan sa karagatang sakop ng barangay Bolasi sa bayan ng San Fabian, Pangasinan.

Nasa dalawang talampakan ang laki ng pawikan at may timbang na 13 kilo.

Pinaniniwalaang malaki ang posibilidad na dahilan kung bakit napadpad ang pawikan sa lugar ay ang nararanasang sama ng panahon.

--Ads--

Migratory animals ang pawikan.
Lumilipat ang mga ito ng lugar para maghanap ng pagkain.

Agad namang ipinagbigay alam sa Municipal agriculture Office ang nalambat na pawikan.

Dahil wala namang nakitang sugat ang pawikan ay agad din itong pinakawalan sa dagat.