BOMBO DAGUPAN- Gumuho ang isang tulay sa Vietnam matapos ang pagtama ng Supertyphoon Yagi.

Deretso sa katubigan ng Red River ang mga sasakyan na nasa Phong Chau bridge sa Phu Tho province kung saan nasa 13 katao ang pinaghahanap. At hindi bababa sa 3 pa lamang nag naililigtas.

Ayon kay Deputy Prime Minister Ho Duc Phoc, 10 mga sasakyan at 2 scooter ang nahulog sa katubigan.

--Ads--

Aang natitirang bahagi naman ng 375-metrikong istraktura ay nananatiling nakatayo, at inutusan ang mga militar na magtayo ng pontoon bridge sa nasirang bahagi sa lalong madaling panahon.