Sugatan ang 13 kato sa rehiyon ng Tver sa Russia matapos ang malaking pag-atake ng Ukranian drone.

Kumakalat ngayon sa social media ang malaking pagsabog sa bayan ng Toropets na nagdulot din ng sunog. Makikita sa video ang pagdetonate ng mga ito at ang halos matakpan na ng usok ang kalangitan.

Ipinag-utos naman ang paglikas sa ilang bahagi ng rehiyon. Agad din ipinag-alam ng kanilang gobernador ang maaaring pagbalik sa kanilang mga lugar.

--Ads--

Kabilang naman umano sa natamaan ay ang ammunitions warehouse kung saan umano matatagpuan ang mga ginamit ng mga Russia sa kanilang paglusob sa Ukraine.