Umaabot na sa 13 bayan ang binaha, o katumbas ng 76 barangay na binubuo ng 18, 622 pamilyang apektado dulot ng masamang lagay ng panahon.
Ayon kay Vincent Chiu, Operations Supervisor, ng Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO Pangasinan, ang mga binahang bayan ay ang mga bayan ng Mangatarem, Calasiao, Mapandan, Santa Barbara, lungsod ng Dagupan, San Fabian, San Jacinto, Bautista, Binalonan, Laoac, Pozorrubio, lungsod ng Urdaneta, Asingan at San Nicolas.
Nasa 1-3 feet ang lalim ng baha sa mga nabanggit na lugar.
Samantala, maaari namang madaanan ang lahat ng main roads,national at provincial roads maliban lang sa ibang barangay roads na nakakaranas ng malalim na pagbaha.
Tuloy tuloy din aniya ang pagmonitor sa mga pangunahing kailogan gaya ng Marusay River sa bayan ng Calasiao, at ang Sinukalan River sa bayan ng Santa Barbara.
Bagamat nakitaan ng pagtaas sa mga kailogan pero wala pa umano sa critical level.
Sa ngayon ay tuloy tuloy ang kanilang monitoring at pakikipag ugnayan sa mga LGU at provincial agencies nang makita ang panghunahing panganagilangan ng mga kababayan .
Samantala, inaasahan na lalong pag iitingin ang habagat kaya maaari pa tayong makaranas ng pag ulan dito sa probinsya hanggang sa susunod na linggo.