Habang buhay na pagkakakulong ang parusang kinakaharap ngayon ng isang 29 na lalaki matapos nitong pagsamantalahan ang kaniyang 13 anyos na stepdaughter.
Ayon kay PMAJ. Zynon Paiking, ang Chief of Police ng Pozorrubio Police Station, noon pang Setyembre sa taong 2021 nang magsimulang gawin ng suspek ang krimen ngunit pinagbantaan umano nito ang biktima, dahilan kung bakit natakot itong magsumbong.
Sinasamantala umano ng suspek ang pagkakataon sa tuwing lumalabas upang maghanapbuhay ang nanay ng biktima at naiiwan sa kaniyang puder ang 13 anyos biktima.
Pagbabahagi pa ni PMAJ. Paiking na sa puder ng kaniyang lola orihinal na nakatira ang biktima ngunit nang magkaroon umano ng anak ang kanyang nanay mula sa kaniyang amain, inutusan itong doon muna manirahan upang bantayan ang kaniyang kapatid.
Naglabas ng warrant of arrest ang Pozorrubio Muncipal Station at kasalukuyan ng nasa kanilang kustodiya ang suspek na pinatawan naman ng 2 counts of rape.