Tumaas ng 129% ang mga naitalang firework-related injuries sa naging pagsalubong sa taong 2023 ng Rehiyon Uno kung ihahambing sa nakaraang taon.
Ayon kay Dr. Rheuel Bobis ang siyang Medical Officer IV ng Department of Health Region 1 na sa kanilang huling tala umabot na ng 78 bilang ng mga nagtamo ng firecracker-related injuries sa rehiyon.
Mas mataas ito kung ikukumpara sa panahon noong 2022 na aabot lamang sa 55 kaso.
Aniya na sa naturang bilang nanguna ang lalawigan ng Pangasinan na may 59 na kaso habang sumunod naman ang La Union na may labing isang kaso.
Habang pito naman ang naiulat sa bahagi ng Ilocos Sur at isang insidente lamang ang naitala sa Ilocos Norte.
Dagdag pa ni Bobis na karamihan sa mga nabiktima ng paputok ay dahil sa paggamit ng kuwitis kung saan 23 katao ang nasugatan mula rito.
Pagsasaad pa nito na tatlong insidente naman ng pagkakaputol ng mga daliri ang naitala sa taong ito.
Labing apat naman sa mga biktima ay nakapagtala ng eye injuries habang isang kaso ng stray bullet ang naidatos sa probinsya ng Ilocos Sur.
Malaki na lamang umano ang pasasalamat nila at wala naitalang nasawi dahil sa paggamit ng paputok.