BOMBO DAGUPAN – Masayang ipinagdiwang ang 126th Independence Day ngayong araw sa bayan ng Lingayen sa pangunguna ni Mayor Leopoldo Bataoil, alkalde ng nasabing bayan.
Sa kanyang mensahe aniya ay nakikita niya ngayong araw ang isang malayang bansa at isang malayang bayan ng Lingayen kung saan kinikilala ng bawat isa ang bansang Pilipinas bilang isang bansang malaya, makadiyos, makatao at makabansa.
Binigyang diin din niya na ito ay araw ng paggunita ng kabayanihan ng bawat pilipino hindi lamang upang mapanatili ang ating kasarinlan gayundin ang kanilang ipinamalas na pagmamahal sa bayan.
Kaugnay nito ay nagkaroon din ng mga kaganapan sa Rizal’s monument kaninang umaga sa nasabing bayan sa pakikipagtulungan ng Philippine National Police, Philippine Army, Philippine Coast Guard, Girl Scouts of the Philippines, Boy Scouts of the Philippines at iba pang mga departamento.