Dagupan City – Tumanggap ng cash gift ang 125 na senior citizen sa Binmaley sa isinagawang Cash Gift Distribution ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) Region I, katuwang ang Pamahalaang Bayan ng Binmaley, nitong Hulyo 30 sa Binmaley Evacuation Center.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga lolo at lolang nasa edad 80, 85, 90, 95, at 100 taong gulang. Layunin ng programa na kilalanin ang kanilang mahalagang ambag sa komunidad at mabigyan sila ng karagdagang suporta para sa kanilang kapakanan.

Pinangunahan ni Mayor Pedro A. Merrera III ang pamamahagi ng cash gift kasama sina Leon Castro Jr., Head ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) at OSCAHAP Pangasinan President.

--Ads--

Naging maayos ang distribusyon sa tulong ng mga opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan.

Ayon sa lokal na pamahalaan, bahagi ang programa ng patuloy na pagbibigay-halaga sa kapakanan ng mga nakatatandang Binmalenian sa pamamagitan ng mga serbisyong kumikilala sa kanilang naging ambag sa pag-unlad ng bayan at nagsusulong ng kanilang dignidad at kapakanan.