Kanselado ang 12 biyahe dahil sa masungit na panahong dala ng bagyong Maymay at hanging habagat, ayon sa Philippine Ports Authority (PPA).
Ang mga ito ay mula sa apat na Port Management Office (PMO) sa Southern Luzon at Visayas na kinabibilangan ng mga sumusunod:
PMO Mindoro: 6 trips mula sa mga pantalan ng Calapan, San Jose, Lubang, at Puerto Galera.
--Ads--
PMO: 3 trips
PMO Palawan: 2 trips mula sa pantalan ng Culion at Coron
PMO Western Leyte/Biliran: isang trip mula sa pantalan ng Maasin.
Pinayuhan ng PPA ang shipping companies na agahan ang paglabas ng abiso sa mga pasahero upang hindi na maabala pang magtungo sa mga pantalan.










