BOMBO DAGUPAN- Hindi bababa sa 12 katao ang nasawi matapos tumaob ang isang bangka sa French Coast sa English Channel. Ito ay may sakay na mga migrante.

Ayon sa French coastguard, higit 50 katao naman ang nailigtas at nabigyan na ng lunas sa Boulogne-sur-Mer.

Base sa imbestigasyon, ang bangka ay patungo sa Britain nang tumaob ito.

--Ads--

Ang nasabing lugar ay ang tinaguriang “world’s busiest shipping lane” at ang naturang insidente ang pinakanakamamatay na naganap ngayon taon para sa lugar.