DAGUPAN CITY —       Patuloy ang imbestigasyon nang kapulisan upang matukoy ang suspek sa pangbubudol budol sa isang 12 anyos na batang nagtitinda ng lumpia sa barangay San Miguel sa bayan ng Calasiao.

        Ayon kay Police Lt. Bonald Paragas, Duty Officer ng Calasiao PNP, hinihintay noon ng biktima ang lola nito habang nagtitinda ng lumpia kung saan ay nilapitan siya ng suspek na nagpakilala bilang isang barangay official at inalok itong tutulungang umanong umuwi sakanilang bahay.

        Lingid sa kaalaman ng biktima na manloloko lamang ang suspek hanggang sa nakuha nito ang loob ng biktima at kalaunan ay ninakaw na nito ang nasa 800 pesos na perang pinagtindahan at maging ang cellphone ng biktima.

--Ads--

        Sa ngayon ay patuloy parin ang pangangalap ng impormasyon at paghahanap nang witness sa insidente upang matukoy ang suspek na kakasuhan ng Theft at pinagaaralan din kung may maaaring ikaso dito na may kinalaman sa RA 7610.

Bahagi ng panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Police Lt. Bonald Paragas, Duty Officer ng Calasiao PNP

        Ligtas namang naiuwi nang kapulisan sakanilang tahanan ang bata at binili narin nang mga kasapi ng Calasiao PNP ang kaniyang panindang lumpia upang hindi na magtinda pang muli ito.

        Nagpaalala naman ang naturang opisyal sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak at hanggat sa maaari ay manatili na lamang sa loob ng bahay kung walang importanteng gagawin lalo na’t nasa ilalim parin tayo ng pandemya. (With reports from Bombo Adrianne Suarez)